"ANO'NG pangalan mo, Hijo?" tanong ni Patrick Niel sa agent na ipinadala ng anak-anakan ng asawa niya. "Hendrix Albayalde, Sir," tugon nito. "Tito na lang, Hendrix. Kung hindi ako nagkakamali ay magkaedaran kayo ni Kenjie or si Crystal Angela. By the way, dahil ikaw ang ipinadala ng boss mo ay siguradong may tiwala siya sa iyo. Kaya't ako ay magtitiwala rin. I'll go straight to the point, Hendrix. I'm suspicious that the department my wife belongs to. I fear that they are hiding my information about her. Do you understand what I'm trying to say, Hijo?" Mas mabuti na ang direct to the point! Aba'y ano'ng mapapala niya kung magpasikot-sikot at paligoy-ligoy pa. "Yes, Sir--- Tito. Puwedeng Sir na lang muna total kliyente ka po ng De Janeiro. As of now, opo ang sagot ko sa mga tanong mo, S