ABALANG-ABALA si Abigail Eunice sa pagtitipa sa kaniyang laptop ng biglang tumunog ang kanilang land line. Ayaw nga sana niyang sagutin dahil madisturbo lamang siya. Kaso mukhang busy rin ang mga magulang niya at Papa Clyde niya. Himala naman kasing walang umaangat sa linya. Dahil dito ay wala na rin siyang nagawa kundi ang sagutin. "Hello, who's on the line, please?" tanong niya sa boses na nababagot! Ayaw na ayaw pa naman niya ang nadedisturbo kapag nagsusulat siya. Ngunit kahit ang mga magulang ay wala yatang balak angatin ang linya. Kaya't wala rim siyang nagawa kundi ang sagutin. "Abigail Hija. It's you, right?" Paninigurado pa ng nasa kabilang linya. Kaya naman ay bahagya niyang inilayo ang wireless phone at tiningnan kung sino ang caller. "Grandma Cassey, ikaw pala. Sorry po ku