"NASA tamang gulang na ang anak ninyong babae. Kahit pa sabihing mahina ang puso niya. Ngunit sa kaalamang sumama siya sa kaniyang kasintahan ay malaking achievement iyan. Kaya't maari bang huwag kayong masyadong mag-alala," ani Grandma Yana nang tumawag ang mag-asawang Whitney Pearl at Patrick Niel. "Tama ang Mommy ninyo mga anak. Ang magagawa natin ngayon ay alalayan siya. Kung ang ilinakatakot ninyo ay baka lalampas sila sa limitasyon bilang nobya at nobyo ay nasabi na rin ng Mommy n'yo na nasa marrying age na silang parehas." Pagsang-ayon pa ni Grandpa Terrence. Kaya naman ay wala ng masabi ang dalawang nasa kabilang panig ng mundo dahil totoo naman ang kanilang mga magulang. "Mahigit isang linggo na po silang nandiyan sa bansa, Mommy, hindi pa ba sila nagpakita riyan sa Baguio? Ang