CHAPTER THIRTY-EIGHT

1318 Words
"THAT woman is really incredible. It's been two weeks, or should I say, going three weeks when we deployed her and her team. But she is still alive, kicking and breathing." "Sir, you sacrificed all her comrades and her men just to test capabilities? My God! Mukhang hindi mo kilala ang ginawan mo ng hindi kaaya-aya, Sir!" "No, Officer Hernandez. Nagkataon lamang na double purpose. Tunay na may misyon sila. At sa palagay ko ay nagtagumpay na siya. I'm so sorry for her fallen men but---" "Hindi ako mag-sorry sa aking pamumutol at pagsagot sa iyo, Sir Tumbler. Pero tunay na hindi mo kilala si Mrs Aguillar. Tama ka incomparable ang taong iyon pagdating sa talento, strategies and capabilities pagdating sa trabaho. Kaya't kahit ano'ng hilingin niya pagdating sa trabaho ay ibinibigay ko. Hindi mo pa rin ba nakukuha ang ibig kong sabihin, Sir? Mapipilayan ang departmento natin oras na siya ang tuluyang mawala! Dahil kayang-kaya niya kahit ano'ng ipagawa asides fro here current positions!" Dahil na rin sa pinaghalong nerbiyos at takot para sa virgin bride na nasa Baghdad Iraq ay napahampas si Officer Hernandez sa lamesa. Sa biyahe ng mga ito ay nasubaybayan pa nila hanggang sa sandstorm. Subalit pagkatapos noon ay hindi na nila alam kung buhay pa ang grupo nito o ano. Ang tangi nilang alam ay buhay ito dahil gumagana pa ang tracking device na nakakabit sa sniper gun nito. Kaso! "Nauunawaan ko ang galit mo, Mr Hernandez. Lalo at long time subordinate mo si Mrs Aguillar. Ngunit hindi naman yata makatarungang sigaw-sigaw mo ang ating big boss. Mukhang gusto mo ng mawala siya at ikaw ang papalit ah." Patuyang saad ng boses habang papalapit sa kinaroroonan nila. Kaya naman ay napalingon siya at napaismid. Subalit pago pa niya madepensahan ang sarili ay nagwika ang big boss nila. "Just forgive him, Senior Officer Hernandez. Dahil hindi niya alam ang sinasabi. Let's wait for their arrival, and you will fully understand what ny real purpose for calling her back during their wedding," pahayag nito. "Sure, Big boss Tumbler. Pero ito ang nais kong malaman ninyo, hindi ang tulad ni Mrs Aguillar ang madaling paikutin. Kapag alam niyang nasa tamang panig siya ay ilalaban niya iyan. Kahit pa kapalit ng buhay niya. Kung talagang kilala n'yo siya ay alam ninyo ang bagay na iyan. Permission to leave, Sir." Hindi pa rin nagpapigil si Mr Hernandez. Kalbong panot ang tawag sa kaniya ng tauhan pero kailanman ay hindi niya isinapuso. Dahil mas mahalaga sa kaniya ang tunay at tapat nitong serbisyo. Subalit sa pagkakataong iyon ay mukhang kahit ang big boss nila ay wala ng kawala sa galit nito. AFTER sometimes when the big boss and his man were alone in the office. "Ano'ng plano mo ngayon, Sir? Tama pa naman lahat ang sinabi ni Sir Hernandez about SSA Harden--- I mean, Aguillar. Nasaksihan na natin kung paano iyon magalit," ani ng huli. "Well, iyan ang pakaabangan natin, Marcia. Huwag n'yong husgaan ang lahat base lamang sa nakikita ninyong pangyayari. Wait and see until she arrives. Kung totoong kilala n'yo siya ay hindi pa ninyo mahulaan ang nasa utak niya. Like me, may kamalian ako pero sa katunayan ay wala pa akong alam kung ano ang nangyayari sa kanila sa Baghdad Iraq. Ang tanging pinaghahawakan natin ay siguradong buhay na buhay siya at umuusok ang bumbunan dahil sa kasalukuyang kaganapan." Pahayag naman ng big boss. Tuloy! Dahil hindi naman kaagad lumayo ang mismong superior ni Whitney Pearl ay naulinigan niya ang pahayag ng big boss nila. 'Did I miss something? Forgive me, God, but is he one of us, or is he someone to watch out?' tanong niya sa kaniyang isipan. Well, totoo naman! Kalaban ba o kakampi? BAGUIO CITY, PHILIPPINES "Daddy, nandito po ba sa Baguio si Kuya Victor Charles?" tanong ni Patrick Niel sa biyanang lalaki. "Yes, anak. Dumalaw dito sa bahay kagabi pero nagkataong wala ka. Bakit, Hijo? May sasabihin ka ba sa bayaw mo?" balik-tanong nito. Lihim tuloy siyang napangiti dahil sa pagbalikan nilang magbiyanan ng ngiti. Subalit kaagad ding napawi ang ngiting iyon nang naalala ang asawang halos tatlong linggo ng hindi nakikita. "Nabanggit po kasi ni Kuya Garrette na mayroon siyang kakilala sa DFA. Actually, I'm planning to travel as well. I miss my wife, Dad. Baka kung may malaman tayo sa mga boss niya." Dahil sa pag-amin niya sa tunay na damdamin ay napatungo siya. Wala naman siyang dapat ikahiya dahil asawa niya ang namimiss. Ngunit upang itago ang namumuong butil ng bolang crystal sa sulok ng kaniyang mata ay napatungo siya. Kaya't hindi niya napansin ang nakangiting biyanang babae na lumapit. "Go ahead, son. Sanay kaming basta sumusulpot ang asawa mo rito. Malalaman na lamang namin nandito siya kapag nasa main gate. Ngunit kung talagang miss mo na siya sige anak. Mas mabuting kausapin mo si Victor Charles dahil kahit mayroon kang perang gagamitin ay pahirapan ang pagkuha ng visas. Nasa Calvin siya ngayon, anak. Dahil siguradong susulitin no'n ang oras habang nandito." Pagsang-ayon at pambubuyo ni Ginang Yana sa manugang. Dahil dito ay napaangat ng paningin si Patrick Niel. Kitang-kita niya ang lively at radiance sa mukha ng biyanang babae at nakangiting lalaki. Kaya't hindi na siya ngsayang ng oras. Dali-dali siyang nagpaalam sa mga ito at pinausad ang sasakyan upang makalipat sa tahanan ng mga Calvin. "Nakikita ko tuloy ang ten years old na batang Niel sa kaniya ngayon, honey. Noong inamin niyang crush niya ang anak natin. Ngayon naman kinailangan pa niya ang nagtanong sa atin samantalang malapit din sila kina Tita Sheryl," pahayag ni Ginoong Terrence habang nakatanaw sa manugang na papaalis. "Kamo tinamaan ng pangungulila, honey. Kaya't hindi na nakayanan at nagdesisyong sundan ang leona niya sa ibang bansa. Ipanalangin na lang natin na sana ay nasa mabuting kalagayan ang babaeng iyon. Aba'y patapos na ang isang buwang honeymoon stage nilang mag-asawa pero hindi pa nila nasimulan. Paano tayo magkakaapo sa kanila ng triplets kung ganoon." Boom! Ang sss este Florida Bryana ay excited magkaapo sa bunsong anak na hindi pa nagka-honeymoon! Kaso! "Mom, hindi halatang excited kang magkaapo kay Whitney ah. Kapag magkaanak ng babae ay siguradong kasing-leona niya." Tinig ng panganay na anak. "Tsk! Tsk! Bakit ka ba biglang sumusulpot? Ano naman kung kasing-leona niya eh--- Teka lang, Hijo. Ang sabi mo ay excited ako eh apo in the future ang sinabi samantalang ikaw ay kasing-leona ng kapatid mo. Sino ang mas excited sa atin? Ikaw o ako?" taas-kilay na saad ng Ginang. Tuloy! Napahalakhak sila ng wala sa oras. BAGHDAD IRAQ "Madam Aguillar, it's been a while since we were trapped in this f*cking desert," pukaw ng isa kay Whitney. Tama naman ito. Simula noong napadpad sila sa disyertong iyon ay halos tatlong linggo na. Ganoon na rin katagal na wala silang maayos na tulog at kain. At higit sa lahat ay hindi nakikita ang asawang iniwan mismo sa araw ng kasal nila dahil sa tawag ng tungkulin. "Madam, okay ka lang ba? May dinaramdam ka ba?" Tinig ng nag-aalalang tauhan. "Don't worry about me, guys. Dahil lahat tayo ay nasa iisang sitwasyon. Hindi lang ako agad nakasagot dahil naisip ko ang aking asawa na naiwan sa bansa sa araw mismo ng kasal," tugon niya habang nakatutok ang mata sa pendat ng kaniyang necklace. "Anak ninyo kako sana kaso matagal---" Kaso napahagikhik siya ng wala sa oraa dahil sa tinuran nito. Siya ang ang lampa niya ng nasa hugis puso na pendat noong sila ay bata pa. Ngunit dahil ayaw din niyang mag-isip ng masama ang mga ito ay agad siyang nagpaliwanag. "Kaming mag-asawa iyan, William. By the manipulation of our parents, we were married a long time ago without our knowledge. By the way---" Nais pa sanang itanong ni Whitney kung malinis na ang kanilang daanan papasok sa loob ng building na sinira nila ang mga camera at iniligpit ang bantay. Ngunit hindi na niya nagawa dahil nagkagulo-gulo na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD