"Mina, ikaw na muna ang bahala dito sa Condo Unit. Manood ka o kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo. Huwag ka lang magpapapasok ng hindi mo kialal," bilin ko sa kanya at iniwan na namin siya doon ni Greg. "Mae, paki-print ang mga kontrata na pinasa ko sa email mo tapos ay sumunod ka sa grocery," utos ko kay Mae at sabay-sabay na kaming umalis sa Condo. "Margaret, sigurado ka bang itutuloy mo ang paghihiganti kay Dexx? Pwede naman na gumawa na ka na lang ng hakbang para masumbong ang ginawa niya sayo?" tanong sa akin ni Greg habang nasa byahe kami at papunta sa grocery. Alam kong nagtataka siya dahil ang ginawa sa akin ni Dexx ay isa sa mga normal na problema ng mga mag-asawa pero hindi ko pa asawa si Dexx, nagawa niya iyon sa akin. Isa rin sa dahilan ko ay ang pagtanaw ng utang ng loo

