Skateboard

1139 Words
“Gyan, sigurado ka bang naririto ang pinsan mo?” tanong sa akin ng aking ama. Pumunta kami sa Blemington Park para sunduin si Cayden. Nagprisinta si daddy na siya na lamang ang sasama sa akin sa halip na si Uncle Vishnu dahil mas kailangan si uncle sa base, ngunit kahit saan kami lumingon ni daddy ay hindi namin makita si Cayden. Nasaan na naman ba ang pasaway na ‘yon? “Opo, daddy! Dito po ang pinag-usapan naming lugar,” tugon ko. “Maaari,” sabi ni daddy na nagbuntong-hininga pa. “Kailangan na nating mahanap si Cayden kaagad kung ayaw niyong bumuga ng apoy ang tita Sashna niyo.” Napangirit naman ako habang nakakunot ang noo. Iniisip ko pa lang na tatalakan kami ng Mafia Queen ay kinikilabutan na ako! Naglakad-lakad kami sa park, nagbabakasakaling mahanap namin ang baliw kong pinsan. Maya-maya, isang bagay ang nakaagaw ng pansin ko kaya napahinto ako sa paglalakad. “Bakit Gyan?” tanong ni daddy. Napatitig ako ng husto sa isang sirang skateboard, pamilyar ang disenyo nito sa akin kaya naman nilapitan ko ito at dinampot. “Daddy! A-Ang skateboard na ‘to, ito po ‘yong binili ni Uncle Brahma para kay Cayden!” sabi ko nang masigurong iyon nga iyon. “Sigurado ka ba?” tanong niya saka kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. “Ichi-check ko kung nasaan talaga siya sa tracker.” Tumango ako at hinintay ang resulta ng paghahanap ni daddy. Medyo napapaisip ako kung bait nasira ang skateboard na ito at kung bakit wala dto si Cayden. Ano kayang nangyari sa kaniya? “Wala na siya dito at ang paggalaw ng tracker ay mabilis, ibig sabihin ay nakasakay siya sa isang sasakyan,” sabi ni daddy. “Ano po? Pero saan siya pupunta?” Gulat kong tanong. Isinilid ni daddy ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa bago sumagot, “Sa SanVille Riverside. Tara na.” SanVille Riverside? Anong gagawin niya do’n? “S-Sandali!!!” hiyaw ng boses ng isang bata kaya napahinto kami ni daddy sa paglalakad. “Hmn?” Nang mapalingon kami sa bata ay tila nagulat at kinabahan siya. Malamang dahil sa napansin niya na kung sino kami. “H-Hindi, m-mga… mga Mafia!” nauutal niyang sambit. Ang bata ay nakasuot ng sumbrero at sa tingin ko ay hindi siya nalalayo ng edad sa amin ni Cayden. Bakit? Bakit niya kami tinawag? “Anong problema?” tanong ko sa kaniya. Tila nag-aalangan ang bata na magsalita. Mukhang tulad ng iba ay pinangingilagan niya din ang mga Mafia. “Magsalita ka,” utos ni daddy na tila may awtoridad at napasinghap ang bata. “A-Ang may ari ng skateboard na ‘yan, k-kinuha siya ng mga sindikato!” bulalas nito na para bang natakot kahit na tila pinipilit niyang maging matapang. Sindikato? Napalingon ako kay daddy at tinanguan niya lamang ako. “Salamat sa impormasyon, tayo na, Gyan,” sabi ni daddy at muling tumalikod. “S-Sandali! H-Hahanapin niyo ba siya? Sasama ako!” muling pigil ng bat ana nakakuyom ang mga kamao. “K-Kinuha din nila… a-ang kaibigan ko!” Nilingon ko si daddy at sumulyap lamang siya sa akin. “Daddy, isasama ba natin siya?” tanong ko. “Bahala siya,” sabi ni daddy at nagpatuloy na sa paglalakad. “Bilisan natin.” Sumunod na ako kay daddy ngunit nang maramdaman kong nakatanaw lang sa amin ang bata ay nilingon ko ito. “Akala ko ba sasama ka?” “H-Ha? Ahm—” “Kung natatakot ka sa Mafia, wag ka ng sumama, ang pinakaayaw kasi namin ay mga duwag at mahihina,” sabi ko na nagpasalubong ng kaniyang mga kilay. “A-Ano! Hindi ako natatakot sa inyo!” sabi niya at patakbong sumuod sa amin. Ang totoo ay inaasar ko lang siya para kumilos na siya sa sa kaniyang kinatatyuan, mukhang naging epektibo naman. Ngumisi ako at naglakad kasunod ni daddy. Bumalik kami ng sasakyan, si daddy ang nagmamaneho at naupo ako sa kaniyang tabi. Ang bata naman ay alanganing sumakay sa likod at tila pilit na tinatapangan ang sarili. “Kumapit kayo, magsho-short cut tayo,” kalmadong sabi ni daddy at saka binuhay ang makina ng sasakyan. Ikinabit ko ang seatbelt at maya-maya… tila lumilipad na ang sasakyan sa sobrang bilis nito. Para kaming kasakay sa roler coaster! Ahahahah! “A-ahhh! P-Pwede bang bagalan niyo ng konte? Nhhhh!!!” kapit na kapit na sabi ng bata sa likod. “Mabagal pa nga ito eh! Ahahahha! Kung si Tita Aira ang nagmaneho tiyak na hihiwalay ang kaluluwa mo sa kaluluwa mo!” tatawa-tawa kong sabi. “A-Ano!? Ni hindi o nga alam kung buhay pa ako eh! Ahhhh!!!” hiyaw ng batang umaalog sa likuran at kapit na kapit dahil sa takot. “Pasensya na bata, may meeting pa ako mamaya kaya kailangan ko ng masundo ang batang iyon,” sabi ni daddy sabay kinabig ang kambyo at mas pinaharurot pa ang sasakyan. Napayakap na ang bata sa sandalan ng upuan ko at mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, “Wala naman akong magagawa kundi ang manalangin na makalabaspa sana ako sa sasakyang ito ng buhay! Nhh!!!” … Ilang sandali pa ay mararating na namin ang SanVille Riverside. Iyon ay ang pampang ng malaking ilog na naghihiwalay sa bayan ng SanVille at ng Acosta. “Daddy! Ang daming kotse sa unahan!” sabi ko at unti-unting binagalan ni daddy ang kaniyang pagpapatakbo. Unti-unting minulat ng bata ang kaniyang mga mata at bahagyang sumilip sa unahan ng sasakyan. “A-Ang van! ‘Yon ang van ng mga kumukuha ng mga bata!” sabi niya. Sinulyapan siya ni daddy, “Kumukuha ng mga bata? Kung gano’n, hindi lang ang pamangkin ko at ang kaibigan mo ang nakuha nila?” “M-Madami pa sila sa loob,” tugon ng bata na may magkahalong galit at kaba. “Mga sindikato sila hindi ba? Sana naman hindi sila isa sa mga kliyente natin,” ani ko na iniunan pa ang aking mga palad sa aking batok. “Kliyente man natin sila o hindi, wala akong pakealam, ang mahalaga ay makuha natin ang pinsan mo,” sabi ni daddy at inihinto na ang sasakyan sa di kalayuan sa kanila. Nakita namin na nagsibabaan ang mga kalalakihan mula sa mga sasakyan at pinalibutan ang van. Anong nangyayari? “Mukhang inaabangan po nila talaga ang van na iyon, hindi ba?” kumento ko. “Malamang na kasamahan ‘yan ng mga dumukot kina Cayden,” sabi ni daddy at akma na kaming lalabas ng sasakyan. “S-Sandali! Susugurin nyo ba sila? Ang dami nila! B-Baka patayin nila kayo!” pangambang sambit ng bata. Tuluyan ng bumaba ng sasakyan ang daddy ko at ako na lamang ang tumugon sa bata, “Masyado kang kabado! Manuod ka na lang para malaman mo kung sino ang mapapaslang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD