Halil Dela Questa. After a few months... "Let me ask you a question. So, you saw everything in there?" namamanghang tanong ko habang magkahawak kamay kaming tinatahak ang daan patungo sa aking naghihintay na SUV. Ang tinutukoy ko ay ang hidden passage ko patungo sa secret vault na nasa aking Manor na namana sa aking Ama. Alam ko naman na mabubuksan n'ya 'yon, I just couldn't believe that she'll do it. Akala ko kasi ay matagal pa 'yon mangyayari. "Yes. 'Di ba sabi mo noon sa 'kin, whenever I'm ready?" Nakangiting sinulyapan ko s'ya bago ito pinagbuksan ng pinto sa backseat. Ihahatid kami ng mga bodyguard namin patungo sa airport dahil babalik kami ng US for our son's second death anniversary. Saka may surprise rin ako sa kanya pagkapos. "Thank you," pasalamat n'ya nang alalayan ko a