Halil Dela Questa. Nagising ako kinabukasan na may isang tablet na ng advil at isang basong tubig sa nightstand table ko. It must be Xero. Dahil s'ya lang naman ang nakakaalam ng passcode sa condo ko. Matapos kong mainom ang gamot para sa hangover ay nang ilagay kong muli ang baso sa nightstand, napansin ko ang isang red card. Napangiti ako ng kaunti saka nailing. "God, Xero." Kinuha ko ito at pinagmasdan ang nakaukit na letra sa parang ATM card. Red String of Fate, at sa ibaba 'non ay ang, "In this world, everything is bound by one simple, invisible thing F A T E." Sa likod naman ng card ay nakita kong muli ang aking pangalan kalakip ang membership type ko which is a VIP member. I shook my head after a while of staring at it. Bumangon na ako sa kama at nagtungo sa bathroom at na