Venus Marshall.After Halil left the redroom, umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa napagod na ako nang tuluyan. And by pagod, I mean, pagod na pagod na... All the hope in my heart is like a heart monitor na pababa nang pababa hanggang sa nag-flat line na lang ito and all you can hear is the sound of the end of life. Manhid na ako mentally and most importantly, physically. Wala na akong maramdaman habang nagbibihis. After ko makalabas ng redroom, sunod na ginawa ko ay nagtungo ako sa aking silid para isulat ang isang letter para kay Halil. Akala ko, wala na akong maiiluha pa, pero nang simulan ko ang pagsusulat ng bawat letra sa blangkong puting papel, nag-uunahan na naman ang wala na atang hanggang mga luha sa mata ko habang sinusulat ang lahat ng laman ng puso ko sa puting papel na ito.