Venus Marshall.Isang buwan matapos ng 1st ever birthday ni Hero, sa wakas, nagtagpo rin ang free time naming dalawa ni Violet. Unfortunately, she didn't make it to Hero's first birthday dahil sa sobrang busy nito sa work and film school. Malapit na kasi itong mag-graduate kaya kahit gaano n'ya kagustong bumalik ng America, hindi na n'ya nagawa. "So, ano nang balita sa 'multo'? Nagparamdam ba ulit after no'ng last paramdam n'ya sa 'yo last year?" Pinaningkitan ko ito ng mata habang nililinis ang pinagkainan ni Hero dito sa dining table. "Really, Vi? Iyan talaga ang pangbungad mo sa akin after a few months, huh? Aba ayos ka rin, ah?" and she even airquote the word multo. Hay nako itong kapatid kong ito, oo. She chuckles. "Ito naman, para nagtatanong lang eh. So, ano nga? Hindi na nagpara