Venus Marshall. Dahil sa pinaghalong kaba at pagod ko, hindi ko na namamalayan na nakatulog na pala ako... nagising na lang ako sa malamyos na boses ng isang babae kasabay ng tatlong beses na katok mula sa pinto ng silid ko. Kahit mabigat pa rin ang talukap ng aking mga mata, pinilit kong ibuka ang mga ito. Nakadapa pa pala akong nakatulog sa kama. "Who is it?" I asked in a half-asleep, half-awake kinda voice. "Lady Venus, this is your servant, Maia. Princess Halil has sent me to accompany you with your course for tonight." Natawa ako nang mahina sa narinig dahilan para mawala ang antok ko. Princess Halil pala ang tawag nila rito sa kaniya, huh? Kaya naman pala hate na hate iyon ng asawa ko. Nonetheless, it's still cute though. Tumayo na ako sa kama at naglakad sa may pinto par