Venus Marshall. "No! You can't take those! Pang lalaking onesie 'yan!" Singhal ko sa letcheng 'to habang napapasabunot na ako sa buhok ko sa sobrang frustration sa babaeng 'to. My gosh! She's driving me insane! Ilang minuto pa lang kaming nag-iikot dito sa Department Store ng Mall, kung ano-ano nang damit ng pang lalaki ang pinagdadampot nito! Halos umusok na ang ilong ko sa galit sa kampon ni poncio pilato na 'to pero s'ya ay nanliliit ang matang tiningnan lang ako habang lagay pa rin nang lagay ng mga gamit ng pang lalaki sa pangalawang cart na n'ya. Sari-sari na ang nailalagay n'ya. My gosh! Nasa isinapupunan ko pa lang ang bata, isinama na kaagad n'ya ang mga damit na pang toddler! Gracious God! Sinamaan ko s'ya ng tingin at gigil na pinagtatanggal ang mga damit na hindi pa naman