Halil Dela Questa. Please say no... say no, please, please, please... bulong ko sa sarili ko at pati cross fingers ay pinatulan ko na habang naghihintay ng isasagot ni Venus kay Helena. Nakapako lang ang mga mata ko sa kanilang dalawa, lalong-lalo na kay Venus. Lahat ng mga kaibigan namin ay halos maiyak na sa saya dahil finally, may magiging masaya nang muli na hindi lang isa kundi dalawang miyembro ng mumunting pamilya namin. Lahat sila masaya puwera sa akin. But don't get me wrong though, I'm happy for Venus. Totoo naman ang sinabi ko sa kanya noon na if ever na makakita s'ya ng taong mamahalin n'ya at mamahalin din s'ya, I'll be happy for her. Pero syempre, this will means na matitingnan ko na lang talaga s'ya sa malayo. Siguro nga ay makukuntento na lang ako sa part na 'yon. At