Venus Marshall. Pagkagising ko ng umaga, wala na akong nadatnan dito sa malaking condo ni Halil. Paano ko nalaman? She left a note saying, "I'm sorry for snapping at you last night. By the way, don't wait up for me, I'm on a business trip for a whole week." Hawak ang sticky note sa kamay ko ay napaupo na lang ako sa mahabang sofa habang hawak ang kinuha kong glass of water sa ref kanina; kung saan ko natagpuan ang note n'ya. Pinagmasdan ko ito habang iniisip kung ano bang gagawin ko dito sa napakalaking condo n'ya? Makikipagtitigan sa mga alaga niyang pating, gano'n? Napasalampak na lang ako. Mabuti na lang pala at may pasok ako sa bakeshop at kailangan ko rin pumasok sa University ngayon. Kaya naman tumayo na ako sa sofa at pinatong sa coffee table ang nakalahati kong tubig sa baso