"ANO ba 'yung sinasabi ni Angelique na dala raw niya rito?" ungkat ni Paige kay Keigo ng sundan niya ito sa may pool side. "At saka bakit ka papunta sa bahay kanina?" Bumuntong-hininga muna si Keigo bago siya hinarap. "May gusto muna akong linawin, Paige," anito na mataman siyang tinitigan. "Totoo ba 'yung sinabi ni Angelique at ni Yahir na magpapakasal ka sa Yahir Martini na iyon? Iyon ba ang sinasabi mong solusyon sa problema ninyo ng daddy mo?" "P-Paano mo nakilala si Yahir?" "Matagal ko na siyang kilala. Nag-aral din siya sa Mori High. Tell me, totoo ba?" Napatingin siya sa may swimming pool. Napailing naman si Keigo. "So totoo nga 'yung sinasabi ng lalaking iyon?" Lumunok muna siya bago ito muling tiningnan. "Hindi. Hindi iyon ang tinutukoy kong solusyon. Nakapagdesisyon na si d
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books