Breakup Rule #3 | Don’t Tell So Many People
Una: 'Wag mong ipagkalat na break na kayo. Unang-una, bakit? To gain sympathy. Para kawaan ka? Don't pity yourself dahil sa bawat breakup may natutunan naman na lesson sa buhay.
Pangalawa: Hindi alam ng lahat ng tao ang reason ng breakup ninyo. So, keep it private. Wala na silang paki-alam kung naghiwalay man kayo. Kailangan rin mag-ingat sa pag-broadcast ng breakup dahil maraming tao na masaya na nasaktan ka pero kunwari nakikisimpatya.
Pangatlo: Mas madali ka makakamove on kung ikaw lang o iilan lang ang nakakaalam ng real status ng love life mo.
Pang-apat: Hindi na kailangan ipaalam sa lahat na sawi ang 'yong puso at kasapi ka na sa camp sawi.
Pang-lima: Mas mainan na sarilinin mo na lang ang sakit at paghihinagpis. Iiyak mo. Isigaw mo. Pero pagkatapos wake up on a new day. A new beginning. Dahil naghihintay ang tamang tao para sayo hindi mo pa lang siya natatagpuan. Hindi pa lang kayo nag-krus ng landas.
# # #
Makailang beses na akong pinagsabihan ng mga kaibigan ko ngunit mas nanaig ang tiwala at pagmamahal ko kay Sevielle. In the end tama sila. Kapag nanlalamig na at wala ng paramdam ibig sabihin nakahanap na ng iba. Ngunit paano kung busy lang pala talaga siya? Tambak ang trabaho at walang oras para makipagkita. Pero sabi nga nila kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan. Kapag hindi bumukol hindi uukol. Tama ba?
Mabuti na lamang at natagpuan kita Dreamesky. Salamat sayo at sa breakup rule guide mo. Ginugol ko ang mga nakaraang araw sa pagtatatrabaho. I picked up overtime hours na madalas ay tinatanggihan ko noon. I helped my co-workers catch up with their reports at kung ano pa mang kailangan nilang tapusin. Ginawa ko ang lahat para lamang maging okupado ang buong araw ko.
AT CHAMINADES OFFICE. . .
“Lori, pahinga ka naman. Kahapon pa tambak ang trabaho mo. Hindi ka pa ba napapagod? Tara break muna tayo. Libre ko,” aya ni Ramsey.
Nagitla ako sa katagang break. May hinala na kaya sila ni Josh? Si Ramsey Pequeña at Joshua Losiento ang mga blockmates ko simula high school. Tropa na kami noon pa. Pinangako namin sa isa’t isa na sa iisang kompanya lang kami papasok ng trabaho. ‘Di alintana kung ano mang position ang makuha ng bawat isa basta’t kami ay magkakasama.
“Okay, lang ako, Ram. Hindi pa ako nagugutom. Dito na lang ako.”
“Nakakapanibago ka ngayon, Petunia. Ang tahimik mo yata. Sinaniban ka na ba ng ligaw na espiritu at hindi ka na nag-iingay dito sa opisina?” pabirong turan ni Josh na kakapasok lamang sa opisina.
Kinasanayan na naming tatlo na magtanghalian o hapunan na magkakasama kung magkasabay ang oras ng aming mga trabaho. Ito pa lang yata ang pinaka-unang pagkakataon na tatangi akong makasabay sila kumain.
“Feel ko lang na tahimik. Issue na agad, Josh?”
“Nakakapanibago lang, Lori. Simula mag-time in hanggang time-out. Eh, hindi natitigil ‘yang dila mo sa kakadaldal,” ani Joshua. “It feels strange.”
“Gusto ko na muna mapag-isa. Please.Ngayon lang. Pangako bukas okay na ako.”
“Teka nga. You won’t be sulking there if nothing happened. Break na ba kayo ng tukmol na Sevielle na ‘yon?”
Hindi na ako sumagot pa bagkus ay ngumawa na lamang sa harap ng dalawa kong kaibigan. Mas okay sana kung may kaibigan akong babae ngunit ni isa wala! Bakit ko ba kasi mas trip maging ka-tropa ang mga lalaki kaysa kababaihan? Palibhasa apat ang mga kuya ko at nag-iisa akong babae sa aming magkakapatid. Lahat sila ay nasa abroad na kasama ang aming mga magulang. Pinili kong mamuhay mag-isa dito sa Pilipinas. Ngunit dahil sa nangyari siguro susunod na lamang ako sa kanila sa Sydney, Australia.
“Lori, sumagot ka nga,” inis na turan ni Ram.
“Oo. Wala na kami. May iba na siya. Ako ang kasama pero iba ang mahal. Ako ang una pero hindi ako ang wakas. Ang sakit-sakit! Naknampucha naman kasi! Ba’t ‘di ninyo sinabi sa akin na walang forever?”
“Aba! Ikaw ang patay na patay sa tanders na ‘yon.”
“Grabe ka naman Ram. Two years older lang naman si Sevie sa akin.”
“Tanders pa rin ang tukmol na ‘yon. Ikaw naman kasi ang tanga-tanga mo! May ebidensya na’t lahat hindi ka parin naniniwala na may iba na yang syota mo.”
“Eh, sa malay ko bang magagawa niya akong lokohin. Limang taon. Limang taon kami! Ni hindi ako nagpagligaw sa iba dahil mahal na mahal ko siya.”
“Alam ko! Dahil isa ako sa binasted mo at pinagpalit sa kumag na ‘yon.”
“Joshua naman. Ayaw mo ba magkaibigan tayo hanggang wakas? Kung jinowa kita eh ‘di malabong magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon.”
“Bakit naman hindi?”
“Eh, sabi ni Dreamesky sa Break Up Rules. Rule # 2 Don’t fall for the ‘I still want us to be friends’ na linya.”
“Sino ba ‘yang Dreamesky na ‘yan?”
“Ah, ano? Paano ko ba e-explain. Kasi ano . . . “
“Ano nga?”
“I’m kind of addicted to reading stories online. Dreame. Dreame platform parang w*****d or g********l. Ganern? Gets mo? Writer siya doon. Si Dreamesky. Sikat siya marami nga siyang followers. Ang ganda pa ng stories niya. May moral lesson.”
“Ano namang moral lesson, aber?”
“Moral lesson kung paano maka-move sa loob ng isang buwan.”
“Move on sa loob ng isang buwan? Kolokohan, Lori! That’s impossible. Bakit ako? Kapag naaalala ko siya. Broken hearted pa rin ako,” ani Ramsey.
“Josh, Ram, ano gagawin ko?”
“Subukan mong i-apply ‘yang breakup rule mo na ‘yan at baga naman mag-work sayo.”
Nag-sidatingan na ang mga katrabaho namin. Isa mga ito ay napansin ang pagmumuto ng aking mga mata.
“Lori, what happened to you? Your eyes look so puffy. Umiyak ka ba?”
“Wala ‘to. Tambak kasi work ko kaya namamaga na mga mata ko.”
Mas mainan na sina Ramsey at Joshua lang ang nakakaalam sa tunay na estado ng aking puso. Bagama’t durog na durog ako ngayon. Kailangan bumangon. Nasa gitna ako nang pagpapakatanga when unanticipatedly nag-vibrate ang cellphone ko.
Social Media Notification . . .
[ Dreamesky Dreame sent you a friend request.
143 mutual friends.
Confirm Delete ]
“Oh my god!” tili ko ng napakalakas.
“Okay ka lang, Lori?” tanong ni Ram na may pag-aalala sa tono ng boses niya. Nasa kaniya-kaniya na kaming office cubicle kaya hindi ko na silang dalawa na kita pa.
“Yes, okay pa sa okay!”
“Your hopeless Valorie Clairy Samonte! Kanina lang ngumangawa ka. Ngayon naman tuwang-tuwa ka?”
“Ni-FR niya ako,Ram!”
“Sino?” takang tanong ni Ram sa akin.
“Si Dreamesky! ‘Yong writer na sinasabi ko.”
Umiling-iling na lamang ito at iniwan na akong kilig na kilig sa aking cubicle. A few minutes after I received another friend request.
Chaise Valderama sent you a friend request.
143 mutual friends.
Confirm Delete
Hindi ko kilala ‘yong pangalawang request. Aside from being a software engineer. I am a travel and food vlogger commonly referred now as social media influencer. I have thousands of followers on all my social media accounts. Friends request daily are ordinary to me but not Dreamesky.
A millisecond after I received a message.
[ Dreamesky Dreame
New Message Request
“Hi!”
When I received his message I already forget I was being dramatic of my breakup. I was hesistant to reply but Joshua grabbed my phone and replied.
Messenger Chat:
“Hello!”
“Thanks for accepting my request.”
“Nahihiya nga ako sayo. Sikat ka tapos ni-FR mo ako. Salamat!”
“Wala ‘yon. Thanks for your comments and feedback on my stories. It means a lot to me.”
“Comment?” taka ko. Wala kong inisip saan ba ako nag-comment?
“Oo, comment sa story ko. Si ClairMont ka ‘di ba?”
Bigla ko na lang naalala si Sevielle. Our daily chat messages. Walang mintis ang daily conversation namin sa Viber. Ngunit bigla na lamang tumigil ang lahat simula noong magkita sila ni Zenia sa hospital.
“Nahirapan pa akong hanapin ka sa sss. Naka-private ka kasi. Just happened we have common friends. Travel & Food Influencer ka pala?”
Grabe naman ‘to si Dreamesky sipag mag-chat. Then I recalled how Sevie was very supportive of my vlogs. He gives me suggestions sa mga gimik na gagawin ko. I miss Sevie pero hindi ako ang tipo ng babae na maghahabol kapag tinapon na. Mahal ko siya pero kailangan kong matutunang higit na mahalin at pahalagahan ang sarili ko.
“Lori, are you still there? Am I distubing you?”
Hindi ko alam kung mag-rereply ba ako o ignore messages? Stalker kaya siya? Sa huli hindi ako nag-reply agad. Dahil pinag-isipan kong mabuti kung bakit? Ano ba ang dahilan kaya niya ako ni-chat?