IBA NA ang tingin ng mga females guests kay Jhun nang ibigay niya sa mga ito ang kanilang mga in-order na pagkain at inumin. Ngunit hindi tulad noong una, walang sinoman sa mga ito ang nagsalita ng kahit na ano sa harapan niya. They all just gave her a haughty glance and dismissed her. Marahil ay nalaman na rin ng mga ito ang harapang pagdideklara ni Eneru na liligawan siya nito. Na mukhang aprubado naman ng mga kaibigan at kapwa Stallon boys nito. Hindi tuloy alam ngayon ni Jhun kung dapat rin ba niyang ikatuwa iyon. Lahat ng mga co-workers niya roon ay binabati siya. Mala-Cinderella raw kasi ang kuwento niya. Biruin mo nga naman, isang prominenteng miyembro ng exclusive equestrian club na iyon, nagkagusto sa isang simpleng empleyadong gaya niya. Napapailing na nga lang siya mi

