NAIWAN NA naman si Jhunnica ng coaster service nila. Pero kung noong una ay may libre pa siyang oras para makarating ng hindi nali-late sa kanyang trabaho kahit maglakad pa siya, ngayon ay wala na. Siguradong mapupulaan na siya ng maldita nilang supervisor. “Sumabay ka na sa akin, Jhun,” offer ni Eneru sakay ng kotse nito. “Tutal papunta na rin naman ako ng SRC para makapagpalit ng damit. May resthouse kasi ako dun. Idadaan na lang kita sa Rider’s Veranda.” Hindi ito pinansin ni Jhun at hinintay na lang ang pagdating ng tricycle na makokontrata niya para maghatid sa kanya sa SRC. “Jhunnica,” muli nitong tawag. “Look, alam kong nabigla ka sa mga sinabi ko kanina. Pero wala ka ng magagawa. Talagang balak kong ligawan ka uli kahit ayaw mo. And this time, I won’t take no for an an

