AMUSEMENT PARK TONYROSE JAYME "Tony?" "Tony?" "Tony?" "Huh?!" gulat na sambit niya bago parang napapasong binawi ang braso sa pagkakahawak ni Craig. Ito ang nabungaran niya nang tuluyan siyang bumalik sa reyalidad. Hindi niya namalayang masyado na siyang nahulog sa pag-iisip at pagdamdam sa mga bagay-bagay. "You're spacing out," sambit nito sa naaaliw na tinig kahit pa kitang-kita niya ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito dahil sa ginawa niyang paglayo ngunit hindi niya iyon pinansin. Walang buhay na tinignan niya lang ito saka mabilis na nilingon ang mga kapatid sa likurang bahagi ng sasakyan at nang makita niyang wala na ang mga ito roon ay nagmamadali siyang bumaba. Inayos niya ang sarili saka mabilis na naglakad. Nakasunod naman kaagad sa kanya si Craig na bumaba na rin ng