DIRTY ICE CREAM CRAIG LINCOLN ZAMORA "Woah, what's this, Craig? You prepared all of this?" manghang tanong ni Tony habang kumikislap ang mga mata sa pagkagusto. Nakatingin ito sa nakahandang mesa na naiilawan ng mga kandila at maliliwanag na christmas lights. Tumango siya bilang pagsagot saka nagsalita, "I said we have a date, right? So, I prepared a dinner date for us with the help of your siblings." Bumaling ang dalaga sa direksyon niya, kitang-kita niya ang malawak nitong ngiti at ang mga mata nitong bumibilog at kumikislap dahil sa kasiyahan. 'Oh, God! She's so beautiful. What did I do to deserve her?' tanong niya sa sarili habang tulalang nakatingin lang dito. "Thank you, Craig," sambit nito na nangingilid ang luha sa mga mata. Kaagad na naalarma si Craig at hinawakan ang m