WORRIES AND DOUBTS CRAIG LINCOLN ZAMORA "LET'S go," anyaya ni Tiana kay Archer at sa mga kapatid nang tuluyan itong makalapit sa kanila. Mabilis na inabot ni Archer ang mga bitbit na bag ni Tiana habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito. "Let me help you," sambit pa nito sa dalaga saka malanding kumindat. Nakangiti ang dalawa sa isa't isa at akmang sisikuhin niya na naman ang pinsan nang mag-ingay si Theo sa tabi niya. Theo scoffed and then coughed loudly, so the two look at his direction immediately, Archer with questioning eyes and Tiana with deathly glares. "Ehem, nasamid lang ako. Sorry, ang kati kasi talaga ng lalamunan ko kanina pa," pagdadahilan ng binata saka bumaling ng tingin sa kanya na parang nanghihingi ng tulong kung paano malulusutan ang matalim na tingin ng kapatid.