TRUTH TONYROSE JAYME "OH, my! What a happy couple? Magiging masaya pa kaya kayo kapag nalaman nilang lahat ang totoo?" Maria said while clapping slowly interrupting the joyous and cheerful crowd. Natigil ang musika at mga halakhakan gayon din ang mga usapan. Natahimik ang lahat at ang tanging maririnig lang ay ang ingay ng takong nito sa marmol habang papalapit sa kanila. Nakatingin lang ang lahat sa babaeng kadarating lang. They were all too stunned to say a word or two. Wala sa kanila ang inaasahan ang pagdating nito. Bumangon ang kaba at pag-aalala sa dibdib ni Tony, humigpit ang hawak niya sa sariling mga kamay na nakapulupot sa leeg ni Craig. Nanlamig din ang buo niyang katawan at ramdam niyang nanigas si Craig dahil gulat ang rumehistro sa mukha nito habang nakatingin kay Maria. Wh