TAHANAN TONYROSE JAYME "Bakit hindi niyo man lang po tinulungan si ate, Kuya Craig?" magalang ngunit inis na tanong ni Tiana sa binatang nakatuon lang ang paningin sa daan habang nagmamaneho. They are on their way home after what happened earlier. Sumunod naman kasi kaagad sa kanya ang dalawa sa kotse nang sumakay siya kanina at sabihing umuwi na sila. Hindi nito nagawang tapunan ng tingin ang kapatid niya dahil bumaling ito sa kanya na nakaupo sa passenger's seat. Tila nanghingi ng tulong ang mga mata nito, marahil hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Tiana. Hindi niya naman masisisi ang binata, siya naman ang may kagagawan nito sa sarili niya at wala siyang ibang sisisihin kundi ang babaeng 'yun. She won't let him help her earlier or atleast stop her from picking a cat fight