NOTHING CONTINUATION... TONYROSE JAYME "SUSUNOD na kami agad, Trevor!" sigaw ni Craig pabalik upang sagutin ang paslit bago bahagyang bumangon para abutin ang cellphone nitong nakapatong sa bedside table. "Oh, shoot. It's already nine in the morning. I always overslept when I'm with you," bulong nito saka tuluyan nang bumangon sa pagkakahiga at dahil nasa kandungan siya nito ay napaupo na rin siya. "Okay po, hihintayin po na'min kayo sa hapag-kainan," sagot muli nito sa masiglang tingig bago nila narinig ang mga papalayo nitong hakbang. "Let's go," anyaya nito saka hinalikan ang kanyang noo habang hinihintay ang kanyang sagot ngunit umiling lang siya bago muling isubsob ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat nito. Ayaw niya pang umalis sa ganoong posisyon, sa ngayon ay gusto niya lam