Chapter 84 Sinubukan ko siyang tawagan. At ilang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag. Hindi niya alam na pinagmamasdan ko siya. Bumuntong-hininga pa siya at pinilit na maging masaya bago magsalita. Biglang nadurog ang puso ko dahil sa nakikita. Naawa ako sa kaniya at kung hindi lang ako marunong magpigil ay yinakap ko na siya. "Babe, kumusta?" kaswal kong tanong. Naiiyak man ay 'di ako nagpahalata. Nahihirapan akong makita siya nang ganoon. He was a victim of emotional manipulation. Naawa ako sa kaniya. Hindi niya ito deserve and right now, I really want to hug him. "Okay lang ako, babe," maligayang sabi niya habang naka-angat ang tiyan niya sa itaas at taimtim na nakapikit bago nagpatuloy. "Okay lang ako. Wala namang problema. Ipapaliwanag ko sa iyo ang biglaan kong pag-alis mama

