Chapter 54 Nang magkaroon ako ng pagkakataon na magka-usap kami ni Sussette ay pinaalalahanan niya akong 'wag ibuhos ang lahat ng pagmamahal ko kay Khazer. Nakakalungkot man iyong pakinggan ngunit bilang isang totoong kaibigan ay natural lang na pagsabihan niya ako para hindi ako masyadong masaktan. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin pero sa ngayon ay ayaw kong isipin na lulikuhin ulit ako ni Khazer dahil kapag nngyari 'yon ay hindi ko na alam kung kaya ko pa ba'ng tumayo. Kahit na nakikita ko rin naman sa kilos ni Khazer na seryoso ito sa akin ay hindi rin ako nakakasiguro. Hindi ko maiwasang itago ang lungkot sa aking mukha pero niyakap ako ni Sussette para pagaanin ang loob ko. Halatang masaya siya sa aming dalawa ngunit ang takot at nararamdaman niyang pangamba para sa akin

