Chapter 60 Binuksan ko ang shower at nagsimula nang magsabon gamit ang shower gel. Binalewala ko ang tunog ng pinto na alam kong si Khazer ang may gawa. Nagpatuloy ako sa paglalagay sa katawan at hinayaan siyang lumapit sa akin. Mabuti na lang dahil basa ang mukha ko. Hindi niya mapapansin na umiyak ako. Niyakap niya ako mula sa likod nang mahigpit at hinalikan ako sa batok. Inagaw niya sa akin ang shower gel at siya na ang nagpahid sa aking katawan. Hinayaan ko naman siya sa gusto niyang gawin. Dahan-dahan at masuyo niya akong hinaplos gamit ang liquid soap. Napapikit ako sa kakaibang pakiramdam. Kahit galit ako sa kaniya ay nagagawa pa rin niya ang ganitong epekto sa akin. Pagod ako ngunit sa tuwing dumadampi ang palad niya sa maseselang bahagi ng aking katawan at hindi ko mapigilang

