Two years later... "Preslyn, pasensiya na at ngayon lang kami nakadalaw. Medyo busy kasi at saka dinala namin iyong paborito mong bulaklak. Sana masaya ka kung saan ka man naroroon. Na-miss kita nang sobra. Sinama ko na rin si Aarya para personal na sabihin sa iyong pinatawad ka na niya noon pa," nakangiting kong sabi. Naiiyak ako kaya hindi na ako nagpatuloy. Nandito kami sa sementeryo at dinalaw namin ang kaniyang puntod. Lumapit si Aarya sa puntod niya at lumuhod. Nilagay niya ang paboritong bulaklak ni Preslyn. Hiwakan nito ang lapida bago siya nagsalita. "Salamat sa lahat, Preslyn. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yon dahil ganoon talaga ang magmahal. Sana ay naririnig mo ako at sana ay mapayapa ka kung saan ka man ngayon," sabi niya. Nang tumayo si Aarya ay yumakap ito sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


