Wala akong ganang tumayo nang magising kinaumagahan pero pinilit ko pa rin ang sarili dahil kailangan kong magtrabaho lalo na't maraming gawain sa opisina. Dumiretso na ako sa banyo para maligo, pagkatapos ay naghanap rin ako ng isusuot sa closet na babagay sa akin. Bago ako lumabas sa kwarto ay nilagyan ko muna ng makeup ang aking mukha para mas maging confident naman ako sa aking sarili. "Let's eat." Aya sa akin ni Khazer. Siya agad ang bumungad sa akin. Nasa labas na kaagad siya ng aking pinto at balak na sana niya akkng katokin kung hindi lang ako lumabas. Binigyan niya ako ng isang halik sa noo pakalabas ko sa kwarto. Wala na akong nagawa kahit handa na sanang umalis para sa trabaho. Masyadong refreshing lang kasi ang naging pakiramdam ko nang makita ko siya sa umaga at inaasik

