Chapter 72 May mga pagkakataong gusto ko bumalik sa condo namin ni Khazer pero sa tuwing naalala ko ang pagsisinungaling niya sa akin ay napapatigil ako. Alam kong tanga ako minsan pero hindi naman ako ganoon katanga para ibaba ang sarili ko. I wanted to punish him for lying and hurting me. I wanted him to realize that I was hurt and his reason was invalid to lie to me. Kahit ano pa ang sabihin niya, pinili niya pa rin ang saktan ako. Iyon ang hindi ko matanggap dahil sa lahat ng tao na gagawa sa akin niyon ay siya pa. Who would have thought that he could fool me again? Who would have thought that he would lie to me after all the trust and love I've given to him? Ginawa niya lang akong tanga at kaawa-awa. At may involvement na naman ni Preslyn. Ang nangyayari ngayon ay wala namang p

