Magkatabi kami nitong nakahiga. Nagce-cellphone ako habang ito ay plano na yatang matulog dahil tahimik na at nakapikit na rin "Ang boring!" nakasimangot na reklamo ko. Saka tumayo at lumapit sa table. May isang bote ng alak na hindi pa nabubuksan doon kinuha ko iyon saka iyon binitbit patungo sa balcony. Napansin kong bumangon din ang lalaki saka sumunod. Ang boteng hawak ko ay kinuha nito saka s'ya na ang nagbukas. Natawa ako straight from the bottle ay tinungga nito iyon. Saka ipinasa sa akin. Bahagya pa nga itong napangiwi dahil sa tapang ng alak. Ginaya ko ang ginawa n'ya. Wari namang naghihintay ito ng reaction mula sa akin. Ngunit ngumisi lang ako pagkatapos kong lumagok sa alak. "Wow." Amaze na ani nito saka tinanggap ang bote. Para kaming nagpapahusayan sa pag-inom. Nang