Kabanata XXVII CELESTE “MANO po.” Nagmano ako sa kanyang ina na may katandaan na rin. Sa palagay ko ay nasa edad na higit sa sesenta na ito. “Pagpalain ka ng Panginoon, hija,” nakangiti nitong inilahad ang kanyang kamay sa akin. Nakatayo lamang si Simoun sa aking tabi habang nakatingin sa kanyang ina. Matapos kong magmano ay tumingin naman ang matanda sa kanyang anak. “Simoun, anak ko,” mangiyak ngiyak itong yumakap sa kanyang ina. Nakita kong nangilid ang mga luha sa mga mata ni Simoun nang yumakap siya sa kanyang ina. Makabagbag damdamin ang tagpong ito na maging ako ay hindi ko magawang hindi maiyak. Naalala ko na naman ang aking mama. Napatingin na lamang ako sa paligid habang hindi mapakali ang aking mga kamay dahil hindi ko rin mapigiliang hindi madala sa tagpong aking nakik

