Kabanata XLII CELESTE PAGLABAS naming dalawa ni Simoun sa banyo ay naghihintay lamang pala sa amin si Lupe sa gilid ng kama. Nakayuko akong lumapit upang kunin ang aking bihisan. Alam kong alam niya ang ginawa naming dalawa. Hindi ko rin naman iyon maikakaila. Dios ko, dinig na dinig niya ang mga pag-ungol ko kanina. Ngunit natural naman ito sa mga mag-asawa. “Binibini, kinakailangan ninyong maghanda bukas ng gabi, kinakailangan ninyo nang bumalik sa inyong pinanggalingang lugar. Hindi na magiging ligtas ang bahay na ito para sa inyo. Hindi rin kasi namin masisiguro kung nagtitiwala ba talaga si Senorito Juancho sa aking ina,” bungad niya sa amin. Nagbibihis na si SImoun at maging ako. Pagkatapos kong mailagay ang aking kasuotan na mula pa sa aparador ni Inicia ay saka naman ako nag

