Kabanata XXXI

1115 Words

Kabanata XXXI CELESTE "IKAKASAL ka na, Celeste," Masayang wika ni Valeriana habang inaayusan niya ako ng buhok. Nakaharap ako sa salamin habang ako ay nakatingin sa aking repleksyon. Suot ko ang puting bestida na piniling bilhin nina Rosita, Salome at Valeriana mula sa perang ibinigay ni Simoun sa kanila. Simpleng simple ang bestida na suot ko. Nakalugay lamang ang kulot kulot at mahaba kong buhok na nilagyan ng hairband na kulay puti. "Napakaganda mo Celeste, tiyak akong hinding hindi na titingin pa sa iba iyang si Simoun," natatawa niyang wika. "Bakit? Tumitingin pa ba siya sa iba? Palikero ba iyang si Simoun?" napalingon ako sa kanya. "Wala pa naman akong nababalitaan na naging nobya niyang si Simoun. Masyadong seryoso ang lalaking iyon sa kanilang mga magkakapatid. Akala ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD