5pm na din ako natapos sa pag aayos. Inayos ko na din yung mga gamit ko at lumabas ng hotel room at tinungo ko yung beach. Nang makalapit ako sa beach side ng resort agad ko nakita yung mga staff na naglalaro sa beach. Nakita ko din sila Red na nakikipag inuman kasama yung mga kaibigan niya. "Doc! Dito!" Rinig kong sigaw nila Shayne kaya lumapit na din ako sa pwesto nila. "Hay naku Alena! Nasa beach kaya tayo! Alisin mo na nga yang polo na yan!" Naka polo kasi ako na puti 3 inches above the knee yun. Polo ni Red kasi yung sinuot kong polo since wala naman akong dala. "Mamaya na. Nakakahiya eh" Naisipan ng iba na mag laro sa beach at nakinood naman ako habang kausap sila Shayne. "Hay nako. Ewan ko nalang sa iba jan. Mukang losyang naman pero dikit ng dikit kay Red" Rinig ko ,No. Halatang