"Doc Samaniego pinapatawag daw po kayo sa call room" Nasa operating room ako ngayon kakatapos ko lang gawin ang open heart surgery, binigay ko sa scrub nurse ang suction tube. "Ikaw nalang tumapos at mag linis. Salamat" "Opo doc" Lumabas ako ng operating room at nag bihis na ako at nag hugas ng kamay Dali dali ako pumunta ng call room. Hindi ako pwede ma late sa meeting. It is about the annual fund raising gala na ginagawa ng hospital. Meron kasi kaming adoptive na orphanage. So ang proceeds na makukuha sa gala ibibigay namin sa orphanage. Isa ako sa mga nag push ng fund raising na ito kila daddy at papa. Gusto ko kasi matulungan 'yung mga bata na nandoon. High School palang kasi ako parati na kami bumibisita sa orphanage na 'yun. Pinagkatiwala kasi ni lola ang orphanage na 'yun kay