"Alena! Mabuti naman at okay ka na. Na miss kita!" ang aga aga pero ang ingay ingay nanaman ni Kriza. Break time namin at nandito kami ngayon sa coffee shop. Ayaw sana akong payagan ni Red na pumasok sa work pero syempre kasi mapilit ako wala siyang magagawa. "Okay na ako Kriz. Teka si Shaina asan?" "Off niya. Hindi ko nga din alam she's acting weird lately." tinapos nalang namin yung coffee namin at bumalik na din kami sa hospital. It was already 3pm hindi ko napansin yung oras. Sabi sakin ni Kriza na pumunta daw ako sa cafeteria kasi nabalitaan daw ni Shaina na nandito ako kaya balak niyang mag bisita. Naku naman. "Ang kapal din naman pala ng pagmumuka mo na bumalik pa dito. You just used your family's wealth para maikasal kay Red! Kung hindi dahil sayo edi sana masaya na sila ngayon