"HINDI MO BA MAGAWA NG MAAYOS ANG TRABAHO MO?!" malakas na sigaw sa 'kin ni Achetbir habang naliligo sa kape ang iba't ibang papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya. Napayuko nalang ako at nakagat ang aking ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadya kong luha. "Sorry po Sir," I murmured. Aksidente ko kasing natabig ang kapeng ipinatong ko sa gilid ng mesa niya dahil sa biglang pagsumpong ng aking liyo. Simula noong dinalhan ako ni Caster ng mangga ay lalo siyang nanlamig sa akin, mas lalo ring dumami ang kaniyang mga pinagagawa kaya hindi nakakapagtaka na madalas akong maliyo ngayon. Hindi lamang dahil sa aking pagbubuntis kung hindi sa pagod nadin. "You fvcking ruined everything!" he yelled. Mariin ko nalang na nakurot ang aking daliri habang nanatili na nakayuko. "Labas!" galit na ut