NAGING mabilis ang panahon, lumipas ang ilang linggo at mga araw hanggang sa tuluyang dumating ang gabi ng engagement party nina Cristina at Marcus. "Ang ganda-ganda mo tonight, friend!" masaya at excited na papuri ni Loreen sa kanya matapos siyang maayusan at malagyan ng make-up. Kasalukuyan silang nasa make-up room ng event hall ng isang sikat na hotel sa Koronadal upang ipagdaos ang engagement party. Katatapos lang siyang ayusan at silang dalawa nalang ni Loreen ang natira rito dahil pinalabas na niya ang mga make-up artists. Tipid na ngiti lang ang tugon niya sa kaibigan. Yeah, everybody says she's really pretty tonight; she even looks like a living doll sa suot niyang white dress and heels. Ngunit s'ya, pakiramdam niya'y kahit ang ganda n'ya ngayon ay hindi pa rin sapat at hindi pa