CHAPTER 12

1742 Words

"WOW ha!" tumawa ang kaibigan niya. "Ano 'to? Teleserye? Masyadong fictional, ganern? Tina naman! Wake up! This is reality. Imposible ang mga bagay na iniisip mo. Well, yeah, I understand your point na kahawig na kahawig nga ng Jacob na ito ang Miguel mo noon, gano'n naman talaga 'diba? Marami ang magkakamukha sa mundo. Marami pero hindi ibig sabihin no'n na magkakaparehong tao na rin sila." Umiwas siya. Kahit papaano'y tama rin naman si Loreen, na marami nga ang magkakamukha sa mundo pero kalabanan doon ay nagkakataon lang. Umiling siya't ipinilit pa rin ang nais. "Basta malakas talaga ang kutob kong siya si Miguel. Sinasabi ng puso kong siya talaga ang taong iyon. Hindi ako susuko, maghahanap ako ng ebidensyang magpapatunay na si Jacob Addison at si Miguel Pedroso ay iisang tao lang!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD