"DAD..." mahinang sambit ni Cristina kinaumagahan nang maabutang nag-aalmusal ang kanyang ama sa hapagkainan. Nagkunwari itong hindi siya narinig. Naupo siya sa tapat nito. "Dad, alam kong galit kayo sa akin pero please naman oh, pansinin n'yo naman po ako." Sa muli ay wala itong narinig. 'Ni kahit tingnan man lang siya'y hindi nito magawa. "Daddy, sorry po kung umabot pa hanggang dito pero sana naman maintindihan n'yo kung bakit ko nagawang tumanggi kay Marcus kagabi-" "What you did last night was a total disgrace to our family and to our name! Ano pang mukha ang maihaharap ko sa mga tao lalong-lalo na sa pamilya ni Governor Buendivas!" galit na putol nito sa kanya. Tumulo ang luha niya. "Yon ba yung mas importante sa inyo, dad? Yung iisipin ng ibang tao kaysa sa kapakanan ko?" hind