JAM Nakakaputangina... hindi ako baboy, malayong-malayo ako sa gano'ng itsura para itali ang mga kamay ko sa kadenang kinakalawang na. Halos dalawang araw akong natulog dahil sa labis na pagod at gutom. Ang sasama ng ugali ng mga bwakanang s**t na 'to para lapagan ako ng pagkain pero hindi ko naman makain dahil nakatali ang mga kamay ko. "Susubuan niyo ba ako kaya hindi niyo pa rin tinatanggal ang kamay ko sa gapos?" tanong ko ro'n sa mga lalaking naglalaro ng baraha. Binalingan nila ako ng tingin ngunit mabilis lang iyon. "Sabi ng amo namin lapagan ka namin ng pagkain para swertehin kami," tugon nito, Aba'y ginawa pa akong santo ng mga depungal. "Kailan niyo ba ako pakakawallan, ha? At sino ba kayo? Sinoong may pakana nitong lahat? Anong kasalanan ko't kinidnap niyo ako?" sunod-sun

