JAM PUTANGINA, PUTANGINA!!! Mama!! Bakit walang mga sasakyang dumadaan?? Panay ang lingon ko dahil naririnig ko pa rin ang sigaw no'ng lalaki. Pagod na pagod na ako, walang laman ang tyan ko simula pa kahapon. Wala rin akong maayos na tulog dahil shutangina paano ako mamakatulog sa mabahong lugar na iyon? Although sanay naman ako sa kabahuan dahil hindi naman ako ipinanganak na mayaman, pero mas pipiliin ko pa na amuyin ang kulungan ng baboy kesa manatili sa lugar na amoy lupa. Kay lalaking tao pero ang dudungis! Hindi marunong maglinis! "Yiiieee kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko 'yung bowl na nanggigitata, bleughh! Pero taragis! Pagod na--AHHHH!" Natigilan ako sa pag-iinarte at tinakpan nang mariin ang aking bibig dahil nakarinig ako ng putok ng baril. Nagtago ako sa likod ng mal

