MARGA "ARGHHHH! ANONG AKALA NIYA SA SARILI NIYA, AH?! HINDI PORKET KAP-- No. Hindi kapatid ang turing niya kay Dion. Whatever, isa siyang tinik sa lalamunan! Hindi na ako makapaghintay na makita ang miserable niyang mukha, ang bangkay niyang tinatabunan ng lupa!" malakas kong sigaw sa loob ng opisina ko. Pinagtatapon ko ang papel na nasa lamesa, pati ang lampshade sa sobrang inis. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako ipahiya sa tuwing mgkikita kami rito sa kumpanya. Magpasalamat siya't marami ang taong nasa labas, hindi ko mahila ang buhok niya dahil nakakahiya... pero hanggang ngayon na lang ang pagtitimpi ko sa kaniya. Simula bukas, magiging pataba na siya sa lupa at tanging ako lang ang maglalamay sa kaniya dahi ako lang ang makakaalam kung saan mahihimlay ang kaniyang bangkay. "