DANAYA What am I gonna do? Pinaggigitnaan ako ng dalawang lalaki, worst, nakahawak sila sa tig-isa kong kamay. "ahm, guys, we're in public, I am warning you... dahil baka nakakaligtaan niyo. Cameras are out, hindi natin mapipigilan ang mga utak ng taong makakanood nito, so please, let me go." Diniinan ko pa iyong pagkakasabi ko sa last three words dahil nakakaloka silang dalawa, lalo na si Dion. Bakit ngayon siya pumapasok? Ang panget ng entrance niya! Kung kailan nakatuon sa amin ang atensyon ng mga tao, tsaka siya lumapit. "Bingi ka ba? O sadyang mahina ang kokote mo para maunawaan ang sinabi ko?" malditong wika ni Dion. Sinaway ko siya sa pamamagitan ng pagtapon ng masamang tingin. Sumusobra naman na siya, wala namang ginawa iyong tao para sungitan niya nang ganiyan. In fact, gusto l