CHAPTER 75.5

1649 Words

TUNAY na kapanapanabik ang mga mangyayari ngayong araw. Habang nagtitipon sina Danaya sa hospital upang alamin ang kalagayan ni Dion, ganoon din ang mga hukom na itinalaga ng panginoon ng Underground Society. Dalawampu't dalawang hukom ang naghahanda para sa nalalapit na paglilitis. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng ganitong pangyayari kaya naman nararapat lang na paghandaan nila nang mainam ang lahat. Hindi katulad sa hukuman sa itaas, walang abogado ang tatayo sa biktima at sa mga suspek. Hindi man normal, ngunit ganito ang panuntunan hindi lamang sa Underground kung hindi pati na rin sa dalawa pang secret society. "Hindi makakarating sa Upperground ang pangyayaring ito dahil alam mo na ang mangyayari. Magiging malaking issue ito at ayaw ko no'n," sabi ng matanda, ang pinuno

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD