DANAYA Matagal nang wala ang taong nagbigay sa akin ng pinakamasakit na alala sa akin ngunit hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng bangungot. Kahit na wala na ako sa selda ng nakaraan, pakiramdam ko hindi pa rin ako malaya. Ang sumpa ay nananatili sa katawan ko, naghjahatid ng takot... ng pasakit. Natatakot ako na baka tumagal ito nang habangbuhay. Natatakot ako hindi lang sa aking sarili kung hindi pati na rin kay Dion at sa magiging anak namin. Ano na lamang ang aabutin nilang problema dahil sa sakit ko. "Tahan na, Danaya. Malalaman natin ang katotohanan kapag nakita natin ang CCTV," sabi ni Dion habang marahan niyang hinahagod ang aking likod. "Why? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko? I was harrassed! At iyong lalaking naghatid ng pagkain kanina ang tinutukoy ko!" "Hush... n

