GEORGE Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng kwarto, iniisip kung aalis na ba kami ngayon para isagawa na bukas ang plano o mananatili kami sa original naming timeline. "Confirmed, si Payne nga ang nag-upload ng video clip. Kailangan ko nang bumalik ngayon dahil hindi ko alam kung ano pa ang maaari niyang ibunyag. Hindi lang videos nina Danaya ang nasa loob ng PC ko kung hindi pati na rin itong buo nating plano. HIndi siya bobo para hindi maitagpi-tagpi ang mga ebidensya." Ramdam at kita ko kung gaano katakot si Esteban. Para bang hindi niya sariling kapatid ang kalaban niya, parang ibang tao. "May chances ba na ipakulong ka niya if ever?" kuryosong tanong ko. Ang unusual lang kasi na matakot siya nang ganito kalala, mas matindi pa ata sa akin. "Oo, dude! Walang sinasanto ang kapatid