JAM "Nasaan naman na kasi iyong resibong iyon? Wala pa nga akong sahod kay Danaya tapos mababawasan pa ang pera ko?" bulalas ko sa kawalan habang naghahagilap sa loob ng sasakyan. Sinilip ko ang lahat ng pwedeng silipin, sinuyod lahat ng pwedeng suyurin. Sabi nga, kapag may tyaga, may nilaga. Kaya heto, nagbunga ang pagtuyuko-yuko ko dahil nakuha ko ang resibo. Masaya ko itong kinuha, hinigpitan ang kapit tapos hinalik-halikan pa. "Oh, 623 pala ang total! Walanjo! Makakamenos pa sana si Dion kung pumayag siya kanina. Mabuti na lang at hindi," sabi ko sa aking sarili habang naglalakad na pabalik sa loob ng bahay. Pagkapasok ko, handa na sanang ibida iyong resibo, natigilan ako sa paglalakad dahil hindi ako makapiniwala sa nakikita ko. Si Dion at si Tim, nagyayakapan!!! Walanjo... don't