DANAYA Throughout the trip magkahawak ang kamay namin ni Dion. Nakahilig ang ulo ko sa ibabaw ng kaniyang balikat, although sinubukan kong humimbing muna, hindi ako makatulog. This is my first time na makaramdaman ng ganitong klaseng kaginhawaan, kapayapaan. Iyong level ng comfortability... nag-uumapaw. Ganito pala kapag malayang nakakapagmahal ka ng tao. Iyong walang takot sa dibdib mo na baka may makakita at may makadiskubre sa tagong relasyon niyo... na kahit maglambingan kayo walang kaso dahil hindi naman nila kami kilala. Pwede bang wag na kaming bumalik? Hindi pa man kami nakakarating iyon na ang tinatanong ko sa aking sarili. Alam ko naman na imposible, for now. Inaasikaso ni Dion ang company and hindi niya iyon pwedeng i-give up dahil iyon na lang ang natitirang pamana sa amin n